Martes, Nobyembre 26, 2013


                         Epekto ng Bagyong Yolanda


Madami ang naapektuhan ng bagyong Yolanda. Pinaka naapektuhan dito ay ang Tacloban Leyte na halos mabura na sa mapa ng Pilipinas ang lugar na ito. Halos di na makilala ang lugar na ito,airport simbahan, mga  mall ay nawala din. Parang sa isang iglap lang nawala ng lahat ultimo pinaghirapan ng mga taong nakatira dito. Wala ng halos natira sa kanilang mga kabuhayan pati tirahan. Madaming namatay dahil sa nangyaring ito, karamihan pa sa mga namatay ay hindi parin nahahanap hanggang ngayon. Ang bagyong ito ang tinaguriang pinakamalakas na bagyo. Sa dami ng namatay, wala ng paglalagyan ng ibang mga bangkay, at ang iba dito ay nailagay sa loob ng isang simbahan. Sa ibaba nito, may ilang litrato ako na gusto ilakip kasama nito..





Ang litratong ito ay ipinapakita kung gaanong karaming patay pa ang hindi naiaayos at hindi parin nakikilala. 

















Sa litrato naman po na ito na aking napili, dito po pinapakita kung gaano nawasak ang lugar ng Tacloban, at kung gaano po naaapektuhan ang mga taong nandito dahil na din po sa mga amoy ng patay na nagkalat na dito.






Ano ang dapat gawin ng Gobyerno?
Kung ako ang tatanungin tungkol sa bagay na ito, nais ko sana na ang unahin ng gobyerno ay ang mga pangkain ng mga taong nasa lugar na ito. Bigyan sana sila ng pansamantalang matitirahan habang hindi pa maayos ang kanilang buhay. Bigyan sana ng karagdagang trabaho para may pangtustos man lang sa pamilya nila para sa araw-araw. Bigyan ng mga gamot para sa mga may sakit, lalo na sa mga matatanda na mahina na masyado ang pangangatawan. Bigyan pa sana nila ng mas higit na pansin ang mga batang unti-unti na ding naaapektuhan at nagkakasakit dala ng mga nakakalat ng bangkay sa kung saan-saan. Di naman lingid sa ating kaalaman na nagdudulot ang amoy nito ng hindi maganda para sa ating kalusugan at pangangatawan. At sana din mas pabilisin pa nila ang pagkuha sa mga patay ng sa ganon, mas malaki ang tyansa na makaiwas sa anumang sakit ang mga taong naaapektuhan nito.